Posted in Blog, Uncategorized

NCAE-ya hindi umuunlad ang pilipinas

Alam mo yung perpektong-perpekto na lahat ng mga plano mo para sa isang specific date, tas biglang may isang maliit na factor na sisira sa lahat ng iyon? ITO YUN EH. Kaso, hindi maliit na factor, NAPAKALAKI. At hindi ko inexpect at all. Kaya, heto ako ngayon, naiiyak sa galit sa isang sulok ng kuwarto habang tinatype ‘to.

Math time. Nagtuturo si Ma’am Diaz tungkol sa hyperbola na last lesson na namin para sa fourth quarter. Habang nagsusulat siya sa board ng ipapagawa niya saming activity, biglang kong narinig mula sa katabi ko na may balita raw na kanselado yung NCAE bukas. Nagkagulo yung row namin at rinig ko ang mahihinang bulungan ng mga kaklase ko.

“Huwag naman sana.”

“Hala paano yan?”

“Di naman siguro totoo.”

Maya-maya, dumating si Sir Bea (isa sa mga admin ng Masci) sa pinto ng classroom na may hawak-hawak na papel. Kinabahan ako. Napansin siya ni Ma’am at nilapitan siya para kausapin. Tumahimik yung buong klase. Matapos ang ilang minuto, pumasok si Ma’am sa room at tumingin samin bago i-anunsyo,

“Hindi raw tuloy yung NCAE bukas.”

Nagwala ang buong klase. Nagtinginan kaming lahat sa isa’t isa at kitang-kita kung gaano kami kagalit sa pangyayari.

Paano ba naman, dahil lang hindi tuloy yung NCAE bukas, ang dami na ring hindi natuloy na balak kasama nito. Una sa lahat, magkakaroon dapat kami ng section outing, para magkaroon naman kami ng pahinga mula sa mga test at requirements. Pangalawa, postponed dapat yung tatlong summative tests namin para sa Wednesday at Thursday, pero dahil walang NCAE, wala na ring postponement. JUSKOLORDE. Naging mabigat ang kalooban ng buong klase namin sa natitirang oras ng klase.

Pagkauwi ko, umiyak ako slight dahil sa sobrang frustration. Buti na lang at nagtrending ang “NCAE” sa twitter at nakakita ako ng ilang mga jokes na nakapagpagaan ng kalooban ko kahit papaano.

At nang magpunta ko sa twitter, nalaman ko rin na sa NCR lang cancelled ang NCAE dahil nga raw sa “lack of materials.” BEH, I thought CAPITAL REGION. Anong nangyari, DepEd? Pinagkatiwalaan kita.

Okay, end of rant. Now, excuse me as I try to cram one quarter’s worth of information in my head for three subjects while trying not to have an emotional breakdown.

word count: 371

Posted in Blog, Uncategorized

mondate 💕💕💕

Sunday at nagkacram ako ng pag-aaral sa Econ. Bandang 6 pm na at tamad na tamad na kong magsaulo ng mga terms na makakalimutan ko rin naman matapos ang ilang linggo. Medyo umaasa rin akong masususpend yung klase noon, dahil may jeepney strike kinabukasan kaya nananalangin talaga kong hindi matuloy yung summative test.

At, sa wakas, matapos ang ilang minutong paghihintay, dumating ang balitang wala na ngang pasok kinabukasan. Tuwang-tuwa ako dahil naka-set na yung schedule ko para sa buong linggo. May NCAE kasi sa Wednesday at Thursday, kaya na-postpone yung mga summative tests dapat namin para sa mga araw na iyon. Naging maluwag ang linggo para samin.

Tapos, bigla akong nakatanggap ng message sa facebook mula sa kaibigan ko.  May plano kasi sana kaming manuod ng “I’m Drunk, I Love You” sa Friday, pero dahil naudlot ang klase para sa Monday, nakaisip ako ng magandang plano.

“bukas!! walang pasok!”

Diyan nagsimula ang lahat. Hindi ko alam kung bakit, pero gusto ko lang talagang maglakwatsa ngayong araw, lalo na’t suspended ang mga klase. At ewan ko rin kung bakit, pero hindi na ko nagtaka nang pumayag ang kaibigan ko sa biglaan kong pag-aaya.

Kanina, kaming dalawa lang ng kaibigan ko yung nanuod sa sinehan. Marami talaga dapat kami, pero dahil nga biglaan yung plano, kaming dalawa na lang natira.

Anong masasabi ko sa pelikula?

Ayun, masakit.

Tagos sa puso, bes. Charot. Nagets ko lang kasi yung nararamdaman nung bida na si Carson. Though hindi sa pagiging friendzoned, pero alam ko yung pakiramdam na gusto mo nang sumuko, pero sa di malamang dahilan, hindi mo nagagawa. HAHAHAHahahaha.

Ok, balik sa topic.

Ayun, kumain kami, nanuod ng movie, tapos nagkuwentuhan. Basta, ang saya, kasi napakachill ng araw na ‘to at nakalimutan kong may tatlong summative tests pa pala kong dapat alalahanin. Pero, sa susunod na kuwento na yun.

Basta ngayong araw na ‘to, umuwi akong masaya at fulfilled (for some reason?). Sa susunod ulit!

word count: 322

Posted in Blog, Uncategorized

🌃🌠masci at night🌠🌃

There’s nothing more fulfilling than having an unplanned lakwatsa with your best friends after a long exhausting week.

Ang orihinal ko talagang plano ay kumain sa Jollibee pagtapos ng klase at umuwi na agad nang 4 pm dahil pagod na pagod na ko. Pero, for some reason, pagkatapos naming kumain ng kaibigan ko, hindi pa rin ako satisfied at ayoko pang umuwi. Hindi ko rin alam, siguro gusto ko lang makipagdaldalan pa o gumala sa kung saan.

Kaya, bumalik kami sa school nang bandang 4. Nang papunta sa school, nakasalubong namin yung isa ko pang kaibigan na pauwi na sana at binitbit namin siya pabalik (literal na binitbit chos).

Ayun, naghanap kami ng lugar sa Masci na hindi puno ng mga Grade 11 na naglalaro ng kung ano. Napadpad kami sa third floor ng CS building. Nag-usap-usap kami. Noong una, matino pa yung kuwentuhan namin. Tungkol sa mga magiging teachers namin sa senior high, mga plano namin after high school, at kung anu-ano pa. Hindi ko na maalala kung paano napunta yung topic sa mga malalalim na sikreto namin at pati na rin ng iba naming mga kaklase. Nagkaroon ng mga bunyagan, bagong realisasyon, aminan, at kung anu-ano pa.

Ang saya kasi matapos ang napakahabang linggo ng paghahabol ng requirements at mga test, nakapagchill na kami sa wakas.

Di na nga namin namalayan ang oras at lampas 6 pm na pala. (Hanggang 5 pm lang dapat ang labasan ng mga estudyante pag Friday.) Napansin lang namin nang tumingin kami sa bintana at ganito na kadilim:

So umalis kami ng Masci at napagdesisyunang sa Ministop naman tumambay. (Ayaw talaga naming umuwi, di ko rin alam kung bakit.) Tapos, doon nagpatuloy ang kuwentuhan namin habang kumakain.

At naglaro kami ng arm wrestling. Sa Ministop. Habang pinagtitinginan ng mga tao.

Hahaha wala kong hiya ngayong araw. Anyway, matapos ang isang oras pang daldalan, sinabi kong kailangan na talaga naming umuwi (kasi nakakaloka tinatawagan na ko ni Daddy fisids). At iyon, nakauwi ako sa bahay bandang 7:30 pm. Pagod pero masaya.

word count: 337

Posted in Blog, Uncategorized

💘araw ng mga puso💘

(Wala ko nun. Char.)

HAPPY VALENTINE’S DAY!

Isang malungkot na araw para sating mga nag-iisa sa mundong ito. Ano raw? HAHAHA joke. Hindi lang naman tungkol sa mga magboyfriend at girlfriend ang Valentine’s. Pwede mo ring ito i-celebrate kasama ang mga iba mo pang mahal ]sa buhay, tulad ng pamilya mo, mga kaibigan, teachers (kaway-kaway sa kaklase kong nagbigay ng roses sa teacher namin, ikaw ha ;)) at kung sinu-sino pang mahalaga sayo.

This year, katulad lang ng mga nakalipas na taon, nagpasya akong magbigay ng mga tsokolate sa mga kaibigan ko. Naisip ko kasing huling taon na ‘to na makakasama ko sila nang buo. Magkakawatak-watak na kami since lilipat ang iba sa kanila sa ibang paaralan (either dahil hindi STEM yung kukuhanin nila for shs or ayaw lang talaga nilang magstay sa masci HAHAHA). So, ayun, katulad ng ginawa namin ng mga ate ko two years ago, bumili kami ng white chocolate at chocolate at minelt ito. Tapos, bumili kami ng maraming oreos at dinurog-durog namin tas shinape namin into hearts. Tapos yung namelt na white chocolate pinang coat namin doon sa heart oreos.  Basta ito kinalabasan nung finished process:

chocolatess.png

Sabog-sabog yung decoration, pero okay na yan for amateurs hahaha. Actually, ganiyan yung hitsura nung binigay nina ate sa mga boyfriend nila, pero yung binigay ko sa friends ko di heart-shaped pero mukhang snowballs hahaha.

Wala lang. It’s just a simple but sweet gesture to show appreciation towards my best friends.

word count: 241

Posted in Blog, Uncategorized

🎉🎆恭禧發財 (gōng xǐ fā cái)🎆🎉

HAPPY CHINESE NEW YEAR!

Isa ito sa mga masasayang araw kung saan napakikinabangan ko ang pagkakaroon ng lahing Chinese (siguro mga 1/4 ganun, char). Dahil half-Chinese si Daddy (Chinese si Nanay at Bisaya naman si Tatay), sinecelebrate namin lagi ang Chinese new year. Bukod sa pagshare ng tikoy sa mga kapitbahay at kamag-anak namin, kumakain din kami sa labas sa mismong araw ng bagong taon ng mga Tsino.

Kakauwi ko lang galing Sofitel nang mga 1 pm at dahil pagod na pagod ako, nakatulog ako agad paghiga na paghiga ko sa sofa. 6 pm na ko nagising at sinabihan ako ni Mommy na mag-ayos na kasi lalabas daw kami.

This year, sa Chinese-style buffet kami kumain at ang masasabi ko lang ay ANG SARAP NG SWEET AND SOUR PORK NILA. Siguro nakaapat na balik ako sa dish lang na yun. Tapos may mga buchi rin, lumpiang shanghai, at iba’t iba pang common Chinese food. Isa pa pala sa mga binalik-balikan ko pang pagkain nila ay yung yang chow rice nila. Heaven, bes.

5 out of 6 1

5 out of 6 2

Matapos ang tatlong oras ng pinaghalong pagkain at pagkukuwentuhan, umuwi na kami. Sa bahay, nanuod kami ng mga Chinese action movies na paboritong-paborito ni Daddy.

Iyon lang, sunod-sunod na lakad these past few days. Bukas, matutulog lang talaga ko buong araw.

word count: 213

Posted in Blog, Uncategorized

✨prom✨

The one day that we can put on glamorous clothes and not be called overdressed. At nalate ako. HAHAHA. Ganito kasi yan, let me explain.

Nag-overnight kami sa bahay ng kaklase ko for a project. At 8 am na ko nakauwi ng bahay. Ang plano ko talaga dapat matutulog ako nang 2 hours at max para marami pa kong time na makapag-ayos. Pero, siyempre dahil ako si Dana, hindi na-execute nang maayos yung plano ko. 12 na ko nagising at hindi pa ko nakakaligo.

Nagmadali ako para magpamani-pedi, magpamakeup at ayos ng buhok at magbihis mismo. At nakakatuwa lang dahil kahit nagmamadali na yung mga stylist, ang ayos pa rin ng kinalabasan.

20170127_165651.jpg

(Nagseselfie na ko sa taxi kasi bawal magselfie sa loob ng ballroom, don’t judge.)

Ok yun fast forward. Nakarating ako sa sofitel five minutes bago rumampa yung section namin HAHAHA NKKLK

Okay naman yung program. Meron pa ngang mga grade 10 na babae na nagsuot ng damit panglalaki hahaha ang cute. Tapos may isang grade 9 girl na kumanta ng jazz version ng Blank Space. ANG GANDA NGA PALA NG MGA BOSES NG MGA HINIRE NA SINGERS PARA SA EVENT. Nakaka-in love mga boses nila.

Ang naging problema ko lang talaga ay yung sobrang lamig sa loob ng ballroom (nakabackless ako iyaq) at sa bandang dulo ng program natatanggal na yung mga beads sa sleeves ko hahashxue.

Despite the inconveniences though, masaya pa rin yung event. Ang dami kong nakasayaw kumpara last year. Tapos ang saya, nakapagpicture taking kaming magkakaibigan dahil photographer yung kuya nung isa samin. Ang dami naming shots as in para kaming nagphotoshoot dun HAHAHA.

Ito yung napakagandang shot nung kuya nung kaibigan ko.

Tapos anim kaming nagstay sa iisang room. Nagcards kami bago matulog at kinabukasan nagswimming kami sa pool ng hotel.

Ayun. Satisfied ako sa kinalabasan ng prom this year. It’s surely unforgettable, especially since last na ‘to.


word count: 315

Posted in Blog, Uncategorized

too soon yet not soon enough (4th quarter blues)

I thought last year ko na ‘to sa MaSci, but I thought wrong. Well, anyway, this quarter was supposed to be my last one, so I was originally going to name this blog entry “My Last Months in MaSci” but that’s not happening as I’ll be staying here for the next excruciating two years.

But this quarter will be the last months that I get to spend a lot of time with all of my best friends. Some of them are transferring to different schools, so we won’t be seeing each other as much (hoping that we won’t fall out). So, to celebrate my final moments with the people I’ve spent four years getting to know and growing up with, I thought that I could post some entries about the moments I share with these people so that in the future, I could look back at these and reminisce all the things that I did with my friends in high school.

So, there you go. I’ll be posting some entries about my ordinary and simple everyday life, and perhaps some insights and reflections on various timely issues as well. I hope you don’t get bored and stop reading along the way!